At ito ay nangyari na, na nakipaglaban si Alma kay Amlici sa pamamagitan ng espada, nang harapan; at sila ay buong lakas na nakipaglaban sa isa’t isa. At ito ay nangyari na, na si Alma, na isang tao ng Diyos, na pinaiiral ang labis na pananampalataya, ay nagsumamo, sinasabing:
O, Panginoon, maawa at iligtas ang aking buhay,
nang maging kasangkapan ako sa inyong mga kamay
upang iligtas at pangalagaan ang mga taong ito.