At ito ay nangyari na, nang sumapit ang gabi, si Tiankum at ang kanyang tagapagsilbi ay palihim na umalis nang gumabi, at nagtungo sa kuta ni Amalikeo; at masdan, sila ay nadaig ng antok dahil sa kanilang labis na pagkapagod, na sanhi ng mga gawain at init ng araw.
At ito ay nangyari na, na si Tiankum ay palihim na nagtungo sa tolda ng hari, at tinuhog ng sibat ang kanyang puso; at madali niyang napatay ang hari kung kaya’t hindi niya nagising ang kanyang mga tagapagsilbi. At siya ay muling bumalik nang palihim sa kanyang sariling kuta, at masdan, ang kanyang mga tauhan ay natutulog, at kanyang ginising sila at sinabi sa kanila ang lahat ng bagay na kanyang ginawa.
At iniutos niyang maghanda ang kanyang mga hukbo, at baka ang mga Lamanita ay magising at salakayin sila. At sa gayon nagtapos ang ikadalawampu at limang taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi; at sa gayon nagtapos ang mga araw ni Amalikeo.