At ito ay nangyari na, na siya ay kanilang kinuha at iginapos, at hinampas ang kanyang balat ng mga kahoy na panggatong, oo, maging hanggang sa kamatayan. At ngayon, nang ang ningas ay nagsimula siyang pasuin, siya ay sumigaw sa kanila, sinasabing:
Masdan, maging katulad ng ginawa ninyo sa akin, gayon din ay mangyayari na ang inyong mga binhi ang magiging dahilan upang marami ang magdanas ng sakit na aking dinaranas, maging ang sakit ng kamatayan sa pamamagitan ng apoy, at ito ay dahil sa sila ay naniniwala sa kaligtasan ng Panginoon nilang Diyos.
At ito ay mangyayari na kayo ay pahihirapan ng lahat ng uri ng sakit dahil sa inyong mga kasamaan.
Oo, at kayo ay babagabagin sa bawat kamay,
at itataboy at ikakalat doon at dito,
katulad ng isang mailap na kawan na itinataboy ng mababangis at mababagsik na hayop.At sa araw na yaon kayo ay paghahanapin,
at kayo ay darakpin ng kamay ng inyong mga kaaway,
at sa gayon kayo ay magdurusa, katulad ng aking pagdurusa, ang sakit ng kamatayan sa pamamagitan ng apoy.Sa gayon ang Diyos ay nagsasagawa ng paghihiganti
roon sa mga lumilipol sa kanyang mga tao.O Diyos, tanggapin ang aking kaluluwa!
At ngayon, nang sabihin ni Abinadi ang mga salitang ito, siya ay bumagsak, na nagdanas ng kamatayan sa pamamagitan ng apoy; oo, pinatay nang dahil sa hindi niya itinanggi ang mga kautusan ng Diyos, matapos pagtibayin ang katotohanan ng kanyang mga salita sa pamamagitan ng kanyang kamatayan.