At muli, sinabi ng anghel:
Masdan, napakinggan ng Panginoon ang mga panalangin ng kanyang mga tao, at gayon din ang mga panalangin ng kanyang tagapaglingkod na si Alma, na iyong ama; sapagkat nanalangin siya nang may labis na pananampalataya hinggil sa iyo na baka sakaling madala ka sa kaalaman ng katotohanan; anupa’t dahil sa layuning ito ako ay naparito upang papaniwalain ka sa kapangyarihan at karapatan ng Diyos, upang ang mga panalangin ng kanyang mga tagapaglingkod ay matugon alinsunod sa kanilang pananampalataya.
At ngayon masdan, mag-aalinlangan ka pa ba sa kapangyarihan ng Diyos? Sapagkat masdan, hindi ba’t niyayanig ng aking tinig ang lupa? At hindi mo rin ba ako namamasdan sa iyong harapan? At ako ay isinugo mula sa Diyos.
Ngayon sinabi ko sa inyo:
‘Humayo, at alalahanin ang pagkakabihag ng inyong mga ama sa lupain ng Helam, at sa lupain ng Nephi; at pakatandaan kung gaano kadakila ang mga bagay na kanyang ginawa para sa kanila; sapagkat sila ay nasa pagkaalipin, at kanyang pinalaya sila.’At ngayon sinasabi ko sa iyo, Alma,
‘humayo ka sa iyong landas, at huwag nang muling hangarin pang wasakin ang simbahan, upang ang kanilang mga panalangin ay matugon, at ito ay kahit na nga ikaw sa iyong sarili ay itakwil.’
At sinabi niya sa akin:
Kung ikaw sa iyong sarili ay mamamatay, huwag nang hangarin pang wasakin ang simbahan ng Diyos.