At ito ay nangyari na, nang siya ay nakapaglakbay na nang tatlong araw sa ilang, itinayo niya ang kanyang tolda sa isang lambak sa tabi ng isang ilog ng tubig. At ito ay nangyari na, na siya ay gumawa ng isang dambanang bato, at gumawa ng isang pag-aalay sa Panginoon, at nagbigay-pasasalamat sa Panginoon naming Diyos.
At ang aking ama ay nanirahan sa isang tolda.
At ang lahat ng bagay na ito, na aking sinabi, ay ginawa ko habang naninirahan sa isang tolda ang aking ama, sa lambak ng Lemuel.
Ngayon, ang lahat ng bagay na ito ay winika at naganap nang ang aking ama ay naninirahan sa isang tolda sa lambak na tinawag niyang Lemuel.
At ang lahat ng bagay na ito ay nakita ng aking ama, at narinig, at sinabi, habang naninirahan siya sa isang tolda, sa lambak ng Lemuel, at maraming-marami pa ring bagay, na hindi maaaring isulat sa mga laminang ito.