“Nangusap si Lehi”
© Intellectual Reserve, Inc.References
- At ngayon ito ay nangyari na, na pagkaraang ako, si Nephi, ay matapos sa pagtuturo sa aking mga kapatid, ang aming ama, si Lehi, ay nangusap din ng maraming bagay sa kanila, at inulit sa kanila, kung gaano kadakila ang mga bagay na ginawa ng Panginoon para sa kanila sa paglalabas sa kanila sa lupain ng Jerusalem. At nangusap siya sa kanila hinggil sa paghihimagsik nila noong nasa mga tubig, at sa mga awa ng Diyos sa pagkakaligtas sa kanilang buhay, na hindi sila nilulon ng dagat.
At nangusap din siya sa kanila hinggil sa lupang pangako, na kanilang natamo—gaano ang pagkamaawain ng Panginoon sa pagbababala sa amin na kami ay tumakas sa lupain ng Jerusalem. Sapagkat, masdan, sinabi niya: