At nalalaman niya na ako, si Jacob, ay may pananampalataya kay Cristo na darating, naghanap siya ng maraming pagkakataon na magharap kami.
At siya ay marunong, kaya nga mayroon siyang ganap na kaalaman tungkol sa wika ng mga tao; anupa’t nakagagamit siya ng labis na panghihibok, at labis na mapanghikayat na pananalita, alinsunod sa kapangyarihan ng diyablo.
At umasa siya na matitinag niya ako mula sa pananampalataya, sa kabila ng maraming paghahayag at ng maraming bagay na nakita ko na hinggil sa mga bagay na ito; sapagkat tunay na nakakita ako ng mga anghel, at naglingkod sila sa akin. At gayon din, narinig ko na ang tinig ding yaon ng Panginoon na nangungusap sa akin, sa pana-panahon; anupa’t hindi ako maaaring matinag.