Ngayon, kasiya-siya ang bagay na ito sa akin, si Jacob, sapagkat hiniling ko ito sa aking Ama na nasa langit; sapagkat dininig niya ang aking pagsusumamo at tinugon ang aking panalangin. At ito ay nangyari na, na ang kapayapaan at ang pag-ibig sa Diyos ay muling nanumbalik sa mga tao; at sinaliksik nila ang mga banal na kasulatan, at hindi na pinakinggan ang mga salita ng masamang taong ito.