At ito ay nangyari na, na matapos magkaroon ng mga huwad na Cristo, at ang kanilang mga bibig ay itinikom, at sila ay pinarusahan alinsunod sa kanilang mabibigat na kasalanan; At matapos magkaroon ng mga huwad na propeta, at huwad na mangangaral at guro sa mga tao, at lahat sila ay pinarusahan alinsunod sa kanilang mabibigat na kasalanan; at matapos magkaroon ng maraming alitan at maraming pagtalikod patungo sa mga Lamanita, masdan, ito ay nangyari na, na si haring Benjamin, sa tulong ng mga banal na propeta na nasa kanyang mga tao—
Sapagkat masdan, si haring Benjamin ay isang banal na tao, at namahala siya sa kanyang mga tao sa katwiran; at maraming banal na tao sa lupain, at nangusap sila ng salita ng Diyos nang may kapangyarihan at karapatan; at gumamit sila ng katalasan dahil sa katigasan ng leeg ng mga tao—
Dahil dito, sa tulong nila, si haring Benjamin, sa pamamagitan ng paggawa nang buong lakas ng kanyang katawan at ng pandama ng kanyang buong kaluluwa, at gayon din ang mga propeta, ay muling nakapagtatag ng kapayapaan sa lupain.