Gayon pa man sumigaw siyang muli, sinasabing:
Alma, magbangon ka at tumindig,
sapagkat bakit mo inuusig ang simbahan ng Diyos?
Sapagkat sinabi ng Panginoon:‘Ito ay aking simbahan, at aking itatatag ito;at walang anumang makapagpapabagsak dito,
maliban sa pagkakasala ng aking mga tao.’
Subalit masdan, sinabi ng tinig sa akin:
Bumangon. At bumangon ako at tumayo, at namasdan ang anghel.
Subalit masdan, ang Panginoon sa kanyang dakilang awa ay isinugo ang kanyang anghel upang ipahayag sa akin na kailangang itigil ko ang gawain ng pangwawasak sa kanyang mga tao; oo, at nakakita ako ng isang anghel nang harap-harapan, at siya ay nakipag-usap sa akin, at ang kanyang tinig ay tulad sa kulog, at niyanig nito ang buong lupa.