At sinabi sa kanya ni Gedeon:
Masdan, ang daan sa likuran, sa likuran ng muog, sa gilid ng likuran ng lunsod. Ang mga Lamanita, o ang mga bantay na mga Lamanita, sa gabi ay mga lango; samakatwid, magpadala tayo ng isang pahayag sa lahat ng taong ito na sama-samang tipunin nila ang kanilang mga kawan ng tupa at mga baka, upang kanila silang maitaboy sa ilang sa gabi.
At hahayo ako alinsunod sa inyong utos at magbabayad ng huling buwis na alak sa mga Lamanita, at sila ay malalango; at magdaraan tayo sa lihim na daanan sa kaliwa ng kanilang kampo kapag nalango na sila at nahihimbing.
Sa gayon lilisan tayong kasama ang ating kababaihan at mga anak, ang ating mga kawan ng tupa, at ating mga baka patungo sa ilang; at maglalakbay tayo sa palibot ng lupain ng Silom.