At ito ay nangyari na, na ang hari ay nakinig sa mga salita ni Gedeon. At pinapangyari ni haring Limhi na sama-samang tipunin ng kanyang mga tao ang kanilang mga kawan; at ipinadala niya ang buwis na alak sa mga Lamanita; at nagpadala rin siya ng karagdagang alak, bilang isang handog sa kanila; at sila ay malayang uminom ng alak na ipinadala ni haring Limhi sa kanila.