At ito ay nangyari na, na ang mga tao ni haring Limhi ay lumisan kinagabihan patungo sa ilang kasama ang kanilang mga kawan ng tupa at kanilang mga baka, at humayo sila paikot ng lupain ng Silom sa ilang, at lumiko sila patungo sa lupain ng Zarahemla, na pinamumunuan ni Ammon at ng kanyang mga kapatid.
At dinala nila ang lahat ng kanilang ginto, at pilak, at kanilang mahahalagang bagay, na kanilang madadala, at gayon din ang kanilang mga panustos, patungo sa ilang; at ipinagpatuloy nila ang kanilang paglalakbay.