Ngayon, ito ay nagdulot ng labis na kagalakan sa mga puso ng yaong laban sa kanya; subalit pinukaw ni Amlici yaong mga tumangkilik sa kanya na magalit laban sa mga yaong hindi tumangkilik sa kanya. At ito ay nangyari na, na magkakasamang tinipon nila ang kanilang sarili, at itinalaga si Amlici na kanilang maging hari. Ngayon, nang si Amlici ay maging hari nila ay inutusan niya silang humawak ng mga sandata laban sa kanilang mga kapatid; at ito ay ginawa niya upang mapasailalim sila sa kanya.
Ngayon, ang mga tao ni Amlici ay kinilala sa pangalan ni Amlici, na tinatawag na mga Amlicita; at ang nalalabi ay tinawag na mga Nephita, o ang mga tao ng Diyos.