At ito ay nangyari na, na sinandatahan ni Amlici ang kanyang mga tauhan ng lahat ng uri ng sandata ng digmaan ng bawat uri nito; at siya ay naghirang din ng mga tagapamahala at pinuno sa kanyang mga tao, upang pamunuan sila sa pakikidigma laban sa kanilang mga kapatid.
At ito ay nangyari na, na narating ng mga Amlicita ang burol ng Amnahu, na nasa silangan ng ilog Sidon, na dumadaloy nang malapit sa lupain ng Zarahemla, at doon sila nagsimulang makidigma sa mga Nephita.