Oo, sila ay sinalubong sa lahat ng dako, at pinagpapatay at itinaboy, hanggang sa kumalat sila sa kanluran, at sa hilaga, hanggang sa marating nila ang ilang, na tinatawag na Hermon; at ito yaong dako ng ilang na pinamumugaran ng mababangis at mga hayok na hayop.
At ito ay nangyari na, na marami ang namatay sa ilang dahil sa kanilang mga sugat, at sinila ng mga hayop na yaon at gayon din ng mga buwitre ng himpapawid; at ang kanilang mga buto ay natagpuan, at nabunton sa lupa.