At si Alma ay namalagi ng maraming araw kina Amulek bago siya nagsimulang mangaral sa mga tao. At ito ay nangyari na, na ang mga tao ay naging higit na nalulong sa kanilang mga kasamaan. At ang salita ay dumating kay Alma, sinasabing:
Humayo; at sinasabi rin sa aking tagapaglingkod na si Amulek, humayo at magpropesiya sa mga taong ito, sinasabing—
‘Magsisi kayo, sapagkat ganito ang wika ng Panginoon:
maliban kung magsisisi
kayo ay parurusahan ko ang mga taong ito sa aking galit;oo, at hindi ko
iwawaksi ang aking masidhing galit.’