Ngayon, ito yaong mga taong naghahangad na lipulin sila, yaong mga manananggol, na mga inupahan o hinirang ng mga tao na magpatupad ng batas sa panahon ng kanilang mga paglilitis, o sa mga paglilitis ng mabibigat na kasalanan ng mga tao sa harapan ng mga hukom.
Ngayon, ang mga manananggol na ito ay marunong sa lahat ng pamamaraan at katusuhan ng mga tao; at ito ay upang matulungan sila na maging bihasa sa kanilang tungkulin. At ito ay nangyari na, na sinimulan nilang tanungin si Amulek, upang magawa nilang lituhin siya sa kanyang mga salita, o salungatin ang mga salitang sasabihin niya.