At matapos yaon ay naghiwa-hiwalay ang bawat isa sa kanila, hindi nag-aalaala para sa kanilang sarili kung ano ang kanilang kakainin, o kung ano ang kanilang iinumin, o kung ano ang kanilang isusuot. At ang Panginoon ang naglaan para sa kanila upang hindi sila magutom, ni ang sila ay mauhaw; oo, at kanya ring binigyan sila ng lakas, upang hindi sila magdanas ng ano mang uri ng paghihirap, maliban sa malulon sa kagalakan dahil kay Cristo. Ngayon, ito ay naaalinsunod sa panalangin ni Alma; at ito ay dahil sa nanalangin siya nang may pananampalataya.