At ito ay nangyari na, na sina Nephi at Lehi ay nangaral sa mga Lamanita sa dakilang kapangyarihan at karapatan, sapagkat may ibinigay sa kanilang kapangyarihan at karapatan upang sila ay makapagsalita, at ibinigay rin sa kanila kung ano ang nararapat nilang sabihin—
Anupa’t sila ay nangusap sa labis na panggigilalas ng mga Lamanita, tungo sa pagpapaniwala sa kanila, hanggang sa may walong libo ng mga Lamanita na nasa lupain ng Zarahemla at nasa paligid ang nabinyagan tungo sa pagsisisi, at napaniwala sa kasamaan ng mga kaugalian ng kanilang mga ama.