Subalit masdan, mayroon pang higit na malaki at kakila-kilabot na pagkawasak sa lupaing pahilaga; sapagkat masdan, ang ibabaw ng buong lupain ay nabago, dahil sa unos at mga buhawi, at mga pagkulog at pagkidlat, at sa labis na lakas ng pagyanig ng buong lupa; At ang mga lansangang-bayan ay nangawasak, at ang mga pantay na daan ay nasira, at maraming patag na lugar ang naging baku-bako.