At nang ang maraming tao ay nakakain at nabusog, kanyang sinabi sa mga disipulo:
Masdan, magkakaroon ng isang oordenan sa inyo, at sa kanya ibibigay ko ang kapangyarihang pagputul-putulin ang tinapay at basbasan ito at ibigay ito sa mga tao ng aking simbahan, sa lahat ng yaong maniniwala at magpapabinyag sa aking pangalan.
At ito ay lagi ninyong gagawin, maging katulad ng aking ginawa, maging katulad ng pagputul-putol ko ng tinapay at binasbasan ito at ibinigay ito sa inyo. At ito ay gagawin ninyo sa pag-alaala sa aking katawan, na ipinakita ko sa inyo.
At ito ay magiging patotoo sa Ama na lagi ninyo akong naaalaala. At kung lagi ninyo akong aalalahanin ang aking Espiritu ay mapapasainyo.