Ngunit ang kasamaan ay namayani sa ibabaw ng buong lupain, kung kaya’t kinuha ng Panginoon ang kanyang mga minamahal na disipulo, at ang mga paggawa ng himala at ng pagpapagaling ay natigil dahil sa kasamaan ng mga tao. At walang mga kaloob mula sa Panginoon, at ang Espiritu Santo ay hindi sumakanino man, dahil sa kanilang kasamaan at kawalang-paniniwala.