At ito ay nangyari na, na tahasan ko silang pinatawad sa lahat ng kanilang ginawa, at pinayuhan ko silang manalangin sa Panginoon nilang Diyos para sa kanilang kapatawaran. At ito ay nangyari na, na ginawa nila ang gayon. At matapos silang makapanalangin sa Panginoon ay muli kaming naglakbay patungo sa tolda ng aming ama.
At ito ay nangyari na, na kami ay nakarating sa tolda ng aming ama. At matapos na ako at ang aking mga kapatid at ang buong sambahayan ni Ismael ay dumating sa tolda ng aking ama, sila ay nagbigay-pasalamat sa Panginoon nilang Diyos; at sila ay nag-alay ng hain at mga handog na susunugin sa kanya.