At ito ay nangyari na, na matapos sabihin ng aking ama ang lahat ng kanyang panaginip o pangitain, na marami, sinabi niya sa amin, na dahil dito sa mga bagay na nakita niya sa pangitain, labis siyang natatakot para kina Laman at Lemuel; oo, natatakot siya na baka itakwil sila mula sa harapan ng Panginoon. At pagkatapos kanyang pinayuhan sila, lakip ang lahat ng damdamin ng isang nagmamahal na magulang, na makinig sila sa kanyang mga salita, na baka sakaling maawa ang Panginoon sa kanila, at hindi sila itakwil; oo, pinangaralan sila ng aking ama.
At matapos niyang pangaralan sila, at nagpropesiya rin sa kanila ng maraming bagay, kanyang sinabihan silang sundin ang mga kautusan ng Panginoon; at huminto siya sa pagsasalita sa kanila.