At ito ay nangyari na, nang mamasdan ng aking ama ang mga bagay na nakasulat sa bola, siya ay natakot at labis na nanginig, at gayon din ang aking mga kapatid at mga anak na lalaki ni Ismael at ang aming mga asawa.
At may nakasulat din doon sa mga iyon na isang bagong sulatin, na madaling mabasa, na nagbigay sa amin ng pang-unawa hinggil sa mga pamamaraan ng Panginoon; at iyon ay isinusulat at binabago sa pana-panahon,...