At dakila ang mga tipan ng Panginoon na ginawa niya kay Jose. Samakatwid, tunay na nakita ni Jose ang ating panahon. At natamo niya ang pangako ng Panginoon, na mula sa bunga ng kanyang balakang ay magbabangon ang Panginoong Diyos ng isang mabuting sanga sa sambahayan ni Israel; hindi ang Mesiyas, kundi isang sangang mababali, gayon pa man, ay maaalaala sa mga tipan ng Panginoon na ang Mesiyas ay magpapakita sa kanila sa mga huling araw, sa diwa ng kapangyarihan, hanggang sa pagdadala sa kanila mula sa kadiliman, tungo sa liwanag—oo, mula sa natatagong kadiliman at pagkabihag tungo sa kalayaan.