At ngayon ako, si Nephi, ay magsusulat pa ng mga salita ni Isaias, sapagkat ang aking kaluluwa ay nalulugod sa kanyang mga salita. Sapagkat inihahalintulad ko ang kanyang mga salita sa aking mga tao, at ipadadala ko ang mga ito sa lahat ng aking mga anak, sapagkat katotohanang nakita niya ang aking Manunubos, tulad ng pagkakita ko sa kanya.
At ang aking kapatid, si Jacob, ay nakita rin siya tulad ng pagkakita ko sa kanya; anupa’t ipadadala ko ang kanilang mga salita sa aking mga anak upang patunayan sa kanila na totoo ang mga salita ko. Samakatwid, sa pamamagitan ng mga salita ng tatlo, sinabi ng Diyos, na pagtitibayin ko ang aking salita. Gayon pa man, ang Diyos ay magpapadala ng mga karagdagang saksi, at patutunayan niya ang lahat ng kanyang salita.