At ito ay nangyari na, nang sabihin niya ang mga salitang ito ay hindi na siya nakapagsalita pa, at siya’y nalagutan ng hininga. At nang masaksihan ng maraming tao na sinabi niya ang mga bagay na ito nang malapit na siyang malagutan ng hininga, labis silang namangha; kung kaya’t bumaba ang kapangyarihan ng Diyos sa kanila, at nadaig sila at nangabuwal sila sa lupa.