Ngayon masdan, ako, si Jarom, ay sumusulat ng ilang salita alinsunod sa kautusan ng aking ama, si Enos, upang maingatan ang aming talaangkanan. At dahil sa maliliit ang mga laminang ito, at dahil ang mga bagay na ito ay nasusulat sa paghahangad ng kapakanan ng aming mga kapatid, ang mga Lamanita, anupa’t talagang kinakailangang makapagsulat ako nang kaunti; subalit hindi ako magsusulat ng mga bagay ng aking pagpopropesiya, ni ng aking mga paghahayag.
Sapagkat ano pa ba ang maisusulat ko na makahihigit pa kaysa mga naisulat na ng aking mga ama? Sapagkat hindi ba’t kanilang inihayag ang plano ng kaligtasan? Sinasabi ko sa inyo, Oo; at sapat na ito sa akin.