At ito ay nangyari na, na sa panahon ni Mosias, may dinalang isang malaking bato sa kanya na may mga nakaukit; at ipinaliwanag niya ang mga nauukit sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos.
At nagbigay-salaysay ang mga ito hinggil sa isang Coriantumer, at sa pagkapatay ng kanyang mga tao. At si Coriantumer ay natagpuan ng mga tao ni Zarahemla; at namuhay siyang kasama nila sa loob ng siyam na buwan. At naglalahad din ito ng kaunting mga salita hinggil sa kanyang mga ama.
At ang kanyang unang mga magulang ay nagmula sa tore sa panahong nilito ng Panginoon ang wika ng mga tao; at ang kabagsikan ng Panginoon ay sumapit sa kanila alinsunod sa kanyang mga paghuhukom, na makatarungan; at ang kanilang mga buto ay nakakalat sa lupaing pahilaga.
Masdan, ako, si Amaleki, ay isinilang sa panahon ni Mosias.