At ito ay nangyari na, nang sila ay dumating sa templo, itinayo nila ang kanilang mga tolda sa palibot, bawat lalaki alinsunod sa kanyang mag-anak, na binubuo ng kanyang asawa, at kanyang mga anak na lalaki, at kanyang mga anak na babae, at kanilang mga anak na lalaki at kanilang mga anak na babae, mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata, bawat mag-anak ay nakabukod mula sa isa’t isa.
At itinayo nila ang kanilang mga tolda sa palibot ng templo, bawat tao ay iniharap sa templo ang pintuan ng kanilang tolda, nang sa gayon sila ay makapanatili sa kanilang mga tolda at marinig ang mga salitang sasabihin ni haring Benjamin sa kanila; Sapagkat lubhang napakaraming tao kung kaya’t hindi sila kayang maturuang lahat ni haring Benjamin sa loob ng mga pader ng templo, kaya nga pinapangyari niyang magtayo ng isang tore,0 nang sa gayon ay marinig ng kanyang mga tao ang mga salitang kanyang sasabihin sa kanila.