At ito ay nangyari na, na nagtayo siya ng isang tore na malapit sa templo; oo, isang napakataas na tore, maging napakataas na makatatayo siya sa tuktok niyon at matatanaw ang lupain ng Silom, at gayon din ang lupain ng Semlon, na pag-aari ng mga Lamanita; at maaari rin niyang matanaw ang lahat ng lupain sa paligid.
At ito ay nangyari na, na pinapangyari niyang magtayo ng maraming gusali sa lupain ng Silom; at pinapangyari niya na magtayo ng mataas na tore sa burol na nasa hilaga ng lupain ng Silom, na naging kanlungan ng mga anak ni Nephi sa panahong tumakas sila sa lupain; at ganito ang kanyang ginawa sa mga kayamanang natamo niya sa pamamagitan ng pagbubuwis sa kanyang mga tao.