At sa gayon kanyang pinalis ang lupa, o sa lalong maliwanag ang baybay, na nasa kanluran ng ilog Sidon, inihahagis ang mga katawan ng mga Lamanita na napatay sa mga tubig ng Sidon, nang sa gayon ang kanyang mga tao ay magkaroon ng puwang upang makatawid at makipaglaban sa mga Lamanita at sa mga Amlicita sa gawing kanluran ng ilog Sidon.
At ito ay nangyari na, nang silang lahat ay nakatawid na sa ilog Sidon na ang mga Lamanita at Amlicita ay nagsimulang magsitakas mula sa kanilang harapan, sa kabila ng napakarami nila kaya nga hindi sila maaaring mabilang. At sila ay nagsitakas sa harapan ng mga Nephita patungo sa ilang sa kanluran at hilaga, papalayo sa kabila ng mga hangganan ng lupain; at tinugis sila ng mga Nephita sa kanilang lakas, at pinagpapatay sila.