At ito ay nangyari na, na sila ay humayo sa ibabaw ng lupain, at nagsimulang bungkalin ang lupain. At si Jared ay may apat na anak na lalaki; at sila ay tinawag na Jacom, at Gilgas, at Mahas, at Orihas. At ang kapatid ni Jared ay nagkaroon din ng mga anak na lalaki’t babae. At ang mga kaibigan ni Jared at ng kanyang kapatid ay may bilang na mga dalawampu at dalawang katao; at sila ay nagkaroon din ng mga anak na lalaki’t babae bago sila nakarating sa lupang pangako; anupa’t sila ay nagsimulang dumami. At sila ay tinuruang lumakad nang mapagkumbaba sa harapan ng Panginoon; at tinuruan din sila ng nasa itaas. At ito ay nangyari na, na sila ay nagsimulang kumalat sa ibabaw ng lupain, at dumami at nagbungkal ng lupa; at sila ay naging makapangyarihan sa lupain.