At ito ay nangyari na, na samantalang kami’y naglalakbay sa ilang, masdan, sina Laman at Lemuel, at dalawa sa mga anak na babae ni Ismael, at ang dalawang anak na lalaki ni Ismael at ang kanilang mga mag-anak, ay naghimagsik laban sa amin; oo, laban sa akin, si Nephi, at kay Sam, at sa kanilang ama, si Ismael, at sa kanyang asawa, at sa kanyang tatlo pang anak na babae. At ito ay nangyari na, na sa paghihimagsik na ito, sila ay nagnais na bumalik sa lupain ng Jerusalem.