At ito ay nangyari na, nang matapos ang aking ama sa pagsasalita sa kanila, masdan, siya ay nagsalita sa mga anak na lalaki ni Ismael, oo, at maging sa kanyang buong sambahayan. At matapos na siya ay mangusap sa kanila, siya ay nagsalita kay Sam, sinasabing:
Pinagpala ka, at ang iyong mga binhi; sapagkat mamanahin mo ang lupain na katulad ng iyong kapatid na si Nephi. At; at ikaw ay matutulad din sa iyong kapatid, at ang iyong mga binhi ay matutulad sa kanyang mga binhi; at ikaw ay pagpapalain sa lahat ng iyong mga araw.
At ito ay nangyari na, na matapos ang aking ama, si Lehi, ay makapangusap sa buo niyang sambahayan, alinsunod sa nararamdaman ng kanyang puso at sa Espiritu ng Panginoon na nasa kanya, siya ay tumanda na.