At ito ay nangyari na, na binalaan ako ng Panginoon, na ako, si Nephi, ay dapat na lumayo sa kanila at tumakas patungo sa ilang, at gayon din ang lahat ng gustong sumama sa akin.
Kung kaya, ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, ay ipinagsama ang aking mag-anak, at gayon din si Zoram at ang kanyang mag-anak, at si Sam, ang aking nakatatandang kapatid at ang kanyang mag-anak, at sina Jacob at Jose, ang aking mga nakababatang kapatid, at gayon din ang aking mga kapatid na babae, at ang lahat ng may nais na sumama sa akin. At ang lahat ng nagnais na sumama sa akin ay yaong mga naniniwala sa mga babala at paghahayag ng Diyos; anupa’t sila ay nakinig sa aking mga salita.