At matapos ang maraming araw sa ilang, dumating sila sa lupain ng Zarahemla, at sumama sa mga tao ni Mosias, at naging mga sakop niya. At ito ay nangyari na, na tinanggap sila ni Mosias nang may kagalakan; at kanya ring tinanggap ang kanilang mga talaan, at gayon din ang mga talaang natagpuan ng mga tao ni Limhi.