At ito ay nangyari na, na kanyang sinabi sa kanila:
Masdan, narito ang mga tubig ng Mormon
(sapagkat sa gayon ang mga yaon ay tinawag) at ngayon,
yamang kayo ay nagnanais na lumapit sa kawan ng Diyos,
at matawag na kanyang mga tao,
at nahahandang magpasan ng pasanin ng isa’t isa,
nang ang mga yaon ay gumaan.Oo, at nahahandang makidalamhati sa mga yaong nagdadalamhati,
oo, at aliwin yaong mga nangangailangan ng aliw,
at tumayo bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay,
at sa lahat ng lugar kung saan kayo ay maaaring naroroon, maging hanggang kamatayan,
nang kayo ay matubos ng Diyos,
at mapabilang sa kanila sa unang pagkabuhay na mag-uli,
nang kayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan—