Kaya’t nang matapos niya ang kanyang gawain sa Melek ay lumisan siya roon, at naglakbay ng tatlong araw na paglalakbay sa hilaga ng lupain ng Melek; at siya ay nakarating sa isang lunsod na tinatawag na Ammonihas.
Ngayon, kaugalian ng mga tao ni Nephi na tawagin ang kanilang mga lupain, at kanilang mga lunsod, at kanilang mga nayon, oo, maging ang kanilang maliliit na nayon, alinsunod sa pangalan niya na unang nagmay-ari sa mga ito; at gayon ito sa lupain ng Ammonihas.