At humayo si Alma, at gayon din si Amulek, sa mga tao, upang ipahayag ang mga salita ng Diyos sa kanila; at napuspos sila ng Espiritu Santo. At may kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila, kung kaya nga’t hindi sila maaaring ikulong sa mga bartolina; ni ang maaari silang mapatay ng sino mang tao; gayon pa man hindi nila ginamit ang kanilang kapangyarihan hanggang sa sila ay igapos ng mga panali at itapon sa bilangguan.
Ngayon, ito ay naganap upang maipakita ng Panginoon ang kanyang kapangyarihan sa kanila. At ito ay nangyari na, na sila ay humayo at nagsimulang mangaral at magpropesiya sa mga tao, alinsunod sa espiritu at kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila ng Panginoon.