At nang sabihin niya ito, pinagdaop niya nang mahigpit ang kanyang mga kamay, napuspos ng kagalakan, nangungusap ng maraming salitang hindi maunawaan; at nang magawa na niya ito, hinawakan niya ang hari, si Lamoni, sa kamay, at masdan, siya ay bumangon at tumayo sa kanyang mga paa.
At siya, kaagad-agad, nakikita ang pagtatalu-talo sa kanyang mga tao, ay lumapit at nagsimulang pagsabihan sila, at ituro sa kanila ang mga salitang kanyang narinig mula sa bibig ni Ammon; at kasindami ng nakarinig ng kanyang mga salita ay naniwala, at nagbalik-loob sa Panginoon. Subalit marami sa kanila ang tumangging makinig sa kanyang mga salita; anupa’t humayo sila sa kani-kanilang landas.