At maraming malaki at kilalang lunsod ang lumubog, at marami ang nasunog, at marami ang nayanig hanggang sa ang mga gusali roon ay bumagsak sa lupa, at ang mga naninirahan doon ay nangamatay, at ang mga pook ay naiwang mapanglaw. At may mga lunsod na natira; subalit ang kapinsalaan niyon ay lubhang malaki, at marami sa mga naroon ang nangamatay.