At ang lunsod ng Zarahemla ay nag-apoy. At ang lunsod ng Moroni ay lumubog sa kailaliman ng dagat, at ang mga naninirahan doon ay nangalunod. At ang lupa sa lunsod ng Moronihas ay tumaas, kung kaya’t sa kinalalagyan ng lunsod ay nagkaroon ng isang malaking bundok. At nagkaroon ng isang malaki at kakila-kilabot na pagkawasak sa lupaing patimog.