Ngayon ito ay nangyari na, nang matapos si Amulek sa mga salitang ito, inilayo nila ang kanilang sarili sa maraming tao at nagtungo sa lupain ng Jerson. Oo, at ang iba pa sa mga magkakapatid, matapos nilang ipangaral ang salita sa mga Zoramita, ay nagtungo rin sa lupain ng Jerson.