Ngayon pinukaw nito ang mga Zoramita na magalit laban sa mga tao ni Ammon, at sila ay nagsimulang sumama sa mga Lamanita at pukawin din silang magalit laban sa kanila. At sa gayon ang mga Zoramita at ang mga Lamanita ay nagsimulang maghanda para sa digmaan laban sa mga tao ni Ammon, at laban din sa mga Nephita. At sa gayon nagtapos ang ikalabimpitong taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi.