At sina Alma at Ammon, at ang kanilang mga kapatid, at gayon din ang dalawang anak na lalaki ni Alma ay nagsibalik sa lupain ng Zarahemla, matapos na maging mga kasangkapan sa mga kamay ng Diyos sa pagdadala ng marami sa mga Zoramita sa pagsisisi; at kasindami ng nadala sa pagsisisi ay itinaboy palabas ng kanilang lupain; subalit sila ay nagkaroon ng mga lupain na kanilang mana sa lupain ng Jerson, at sila ay humawak ng mga sandata upang ipagtanggol ang kanilang sarili, at kanilang mga asawa, at anak, at kanilang mga lupain.