At ngayon, nang matapos si Zerahemnas sa pangungusap ng mga salitang ito, isinauli ni Moroni ang espada at ang mga sandata ng digmaan, na kanyang tinanggap, kay Zerahemnas, sinasabing:
Masdan, tatapusin natin ang labanan. Ngayon, hindi ko na mababawi pa ang mga salitang sinabi ko, anupa’t yamang ang Panginoon ay buhay, kayo ay hindi makalilisan maliban kung lilisan kayo nang may panunumpa na hindi na kayo muli pang babalik laban sa amin upang makidigma. Ngayon, sapagkat kayo ay nasa aming mga kamay ay paaagusin namin ang inyong dugo sa lupa, o kayo ay pasasailalim sa mga batayang iminungkahi ko.