Ngayon, sa pagiging pinuno ni Ammon sa kanila, o sa lalong maliwanag siya ay nangaral sa kanila, at kanyang nilisan sila, matapos silang basbasan alinsunod sa kanilang kani-kanyang patutunguhan, matapos na maibahagi ang salita ng Diyos sa kanila, o naglingkod sa kanila bago ang kanyang paglisan; at sa gayon sila ay nagsimula sa kani-kanyang paglalakbay sa lahat ng dako ng lupain. At si Ammon ay nagtungo sa lupain ng Ismael, ang lupaing tinawag alinsunod sa mga anak na lalaki ni Ismael, na siya ring mga naging Lamanita.